
Nitong ika-13 ng Oktubre, 31 tablets ang ipinamahagi ni Mayor Anne Inton sa 31 day care workers sa kanilang bayan, na naging emosyonal sa tuwa matapos matanggap ang nasabing mga tablets.
Ayon kay Mayor Inton, ang mga tablets ay malaking tulong sa mga day care workers para higit pang maging episyente at makabago ang kanilang pagtuturo sa mga bata pumapasok sa mga day care centers kanilang bayan.
Naging kaagapay ni Mayor Ann Inton sa nasabing gawain ang kanyang Municipal Social Welfare and Development Officer, Chasmalin Francisco at mga konsehal ng bayan bilang patunay at tanda ng suporta ng pamahalaang bayan sa sektor ng Edukasyon at mga Kabataan.
The post 31 tablets ipinamahagi sa mga day care workers appeared first on 1Bataan.












