3rd Bataan Level III Shooting Competition gaganapin sa Pilar

Higit sa 600 practical shooters mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ilang bansa sa Southeast Asia ang lalahok sa 3rd Bataan Level III Shooting Competition na isang PPSA Sanctioned Match. Ayon kay Pilar Mayor Charlie Pizarro Jr., ang nasabing kompetisyon ay bahagi ng pagsusulong sa sports shooting at pagpapalakas ng sports tourism sa lalawigan ng Bataan.

Isasagawa ang kompetisyon ngayong Huwebes sa Mount Samat Firing Range sa paanan ng Dambana ng Kagitingan sa bayan ng Pilar. Pangungunahan ito ng Batas-Bataan Practical Shooters Gun Club, katuwang ang mga local at international shooters, kabilang ang mga kalahok mula sa Hong Kong, Macao at South Korea.  Bubuuin ang torneo ng 15 stages at kabuuang 265 rounds na sasaklaw sa mga kategoryang Handgun, PCC at Mini Rifle.

Makikibahagi rin sa okasyon ang mga batikang atleta at kabataang shooter mula sa Bataan na nagkamit ng karangalan sa pandaigdigang kompetisyon, kabilang sina Erin Micor, gold medalist ng SEAGAMES; Louigi De Guzman, silver medalist sa World Shoot; at Carlin Pizarro, ika-4 sa SEAGAMES at ika-9 sa World Shoot.

Dadalo rin sa makasaysayang paligsahan ang World Shoot champion na si Bro. Tecson at SEAGAMES gold medalist na si Edcel Gino.

The post 3rd Bataan Level III Shooting Competition gaganapin sa Pilar appeared first on 1Bataan.

Previous Libreng himlayang bayan sa Orani
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.