475 mangingisda ng Limay tatanggap ng ayuda matapos and Mt. Terranova oil spill

Aabot sa 475 mangingisda ng Limay ang tatanggap ng kompensasyon kaugnay ng pinsalang idinulot ng oil spill matapos ang paglubog ng motor tanker MT Terranova noong Hulyo ng nakaraang taon.

 

Ang insidente ay nagdulot ng matinding pinsala sa karagatan at seryosong nakaapekto sa kabuhayan nang halos limang daang pamilyang umaasa sa pangingisda.

 

Ayon kay Limay Mayor Richie Jason David, nabigyan na ng Money Control Tracking Numbers ang mga benepisyaryo bilang paghahanda sa pag-claim ng kompensasyon. Tiniyak ng lokal na pamahalaan na magiging maayos, malinaw, at sistematiko ang proseso ng pamamahagi ng tulong-pinansyal.

 

Bahagi ito nang patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Limay at Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan upang maibsan ang epekto ng oil spill at suportahan ang muling pagbangon ng sektor ng pangingisda.

 

Sa kabuuan, 383 pamilya mula sa Barangay Lamao at 92 pamilya mula sa Barangay Alangan ang kabilang sa mga tatanggap ng kompensasyon.

The post 475 mangingisda ng Limay tatanggap ng ayuda matapos and Mt. Terranova oil spill appeared first on 1Bataan.

Previous Inton eyes more infras for BBJVI
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.