
Muling pinagtibay ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang suporta nito sa mga programa ng pamahalaan para sa pambansang depensa at katatagan sa isang luncheon meeting kasama si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. noong ika-23 ng Oktubre sa Makati Diamond Residences, Bonifacio Global City. Layunin ng pagpupulong na palakasin ang ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor sa pagtataguyod ng seguridad at kaunlaran ng bansa.
Isa ang AFAB, kasama ang SAAB, sa mga pangunahing tagasuporta ng naturang programa at pormal na kinilala ng mga organizers. Kinatawan ng AFAB sa pagtitipon sina Atty. Percival B. Peralta, Head ng Office of the Administrator Group; Mr. Joselito G. Lobrin III, Port Operations Technical Officer; at mga miyembro ng Corporate Affairs Department – Marketing Unit.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing programa sa depensa tulad ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, Comprehensive Archipelagic Defense Concept, at ang pagpapalakas ng kooperasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa usapin ng cybersecurity at disaster resilience.
The post AFAB, kaisa sa pagtataguyod ng mga prayoridad sa pambansang depensa appeared first on 1Bataan.












