
Masayang ibinalita ni Mayor AJ Concepcion na ang pondo para sa isang bagong Elecric Vehicle para sa bayan ng Mariveles ay mula sa 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF). Ang nasabing sasakyan ay binasbasan nitong ika-19 ng Pebrero.
Ayon pa kay Mayor Concepcion, layon ng pagbili ng nasabing E-vehicle na nagkakahalaga ng P1,153,000., ay upang mapalakas pa ang mobility ng lokal na pamahalaan at mabilis na makapaghatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan.
Nakasama ni Mayor AJ Concepcion sa simpleng pagbabasbas sina CESO IV Asst. Regional Director ng DILG, Jay Timbreza; DILG Provincial Director Belina Herman; DILG Mariveles Jasmin Bartolo at PSO-OIC Jaypee Jalos na siyang lumagda at tumanggap sa sasakyan.
The post Bagong e-vehicle ng Mariveles galing sa 2024 SGLG incentive fund appeared first on 1Bataan.