Bagong Health Center sa Brgy. Batangas ll, binasbasan na

Pokus ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ni Mayor AJ Concepcion, ang kalusugan, kung kaya’t naglunsad sila ng “Dalaw barangay para sa kalusugan” kung saan kanilang iinspeksyunin ang mga barangay health centers sa mga barangay para makita kung papaano ito higit na pauunlarin at para sa mas epektibong serbisyo sa mga mamamayan, gayundin pagpapatayo ng mga bagong health centers tulad nito.

 

Matagumpay na naisagawa ang ribbon-cutting at pagbabasbas ng bagong Health Center sa Barangay Centro, Batangas ll, bilang patuloy na pagsisikap ng LGU Mariveles na lalo pang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

 

Pinangunahan ni Vice Mayor Jesse Concepcion kasama sina Konsehal Ivan Ricafrente, Omar Cornejo, Jun Villapando, mga opisyal ng barangay at mga barangay health workers ang nasabing pasinaya.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Vice Mayor Jesse Concepcion na inaasahan nilang magbibigay ng maayos, episyente at dekalidad na serbisyong pagkalusugan ang nasabing health center.

 

Kasabay ng pagbubukas ng health center ay ang blood-letting activity ng Red Cross Bataan Chapter na nais makatulong para sa sapat na suplay ng dugo at palakasin ang diwa ng boluntaryong paglilingkod sa komunidad.

The post Bagong Health Center sa Brgy. Batangas ll, binasbasan na appeared first on 1Bataan.

Previous Peace and order sa Bagac, tinutukan ni Mayor del Rosario
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.