Sinimulan na ang pamamahagi ng abot-kayang bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron Na!” Rice Project sa Freeport Area of Bataan (FAB), sa pagtutulungan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at Department of Labor and Employment (DOLE) – Region III. Ang programa ay bahagi ng Rice-for-All Nationwide Program ng Department of Agriculture (DA) na layuning suportahan ang mga manggagawang minimum wage earners.
Pinangunahan nina AFAB Community Services Manager Donia G. Alonzo at DOLE Regional Director Geraldine M. Panlilio ang pagkilala at pagtukoy sa unang batch ng 1,610 benepisyaryong manggagawa mula sa PPMI at Surex na unang nabigyan ng de-kalidad at subsidized na bigas.
Layunin ng programa na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas murang bigas mula sa National Food Authority (NFA), bilang suporta sa kapakanan ng mga manggagawa sa loob ng FAB.
The post “Benteng Bigas Meron Na!” Rice Project, sinimulan na sa FAB appeared first on 1Bataan.