BIR – Bataan, nagsagawa ng “Friendly Tax Compliance Verification Drive”

Sa pamumuno ni RDO/Atty Mercedes “Teng” Estalila, ang BIR Bataan RDO-20 ay kasalukuyang umiikot sa mga bayan ng Orani, Dinalupihan at Balanga City, kaugnay sa kanilang isinasagawang Friendly Tax Compliance Verification Drive, kung saan walang ipapataw na multa o anumang parusa sa mga matutuklasang violation sa operasyon ng kanilang mga negosyo o establisamyento.

 

Ayon Atty. Estalila ito ay bahagi ng kanilang CHAT PROGRAM, (Counsel, Help and Assist Taxpayer), na naglalayong magbigay ng kaalaman, gabay at suporta sa ating mga taxpayers sa pagsunod sa batas at regulasyon sa pagbubuwis.

 

Kung sakali umanong mabisita ang inyong mga establisamyento, huwag matakot bagkus, hinihikayat ng BIR official na malayang magtanong at magpahayag ng mga alalahanin sa revenue officer na nakatalaga sa inyong lugar.

 

Inaasahan din na makatutulong ang inisyatibong ito sa pagpapalawak ng kaalaman ng ating mga taxpayers sa higit pang maayos na pagsunod sa regulasyon sa pagbabayad ng buwis.

The post BIR – Bataan, nagsagawa ng “Friendly Tax Compliance Verification Drive” appeared first on 1Bataan.

Previous PGB partners with ARTA for faster and efficient public service delivery
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.