
Namangha ang mga nakapanood nang kauna-unahang Bird Trike Float Parade na ginanap sa mga pangunahing kalsada sa Balanga City kahapon.
Maging si Mayor Raquel Garcia ay humanga sa mga ayos ng tricycle. Ayon pa sa kanya, makikita sa Bird Trike Float ang pagiging malikhain ng iba’t ibang barangay at mga paaralan na nakiisa sa nasabing paligsahan na bahagi ng taunang Ibong Dayo Festival.
Nag-anyaya sa lahat si Mayor Raquel Garcia na manood at makiisa sa nasabing pagdiriwang at abangan ang pag anunsyo ng mga nagwagi sa Bird Trike Float Contest at Mukhang Ibon, Sayaw Ibon Dance Contest.
The post Bird Trike Float Parade ng Balanga City, hinangaan appeared first on 1Bataan.