Cong Abet, Cong Gila nanguna sa BFAR FishCore Program

Sa inisyatiba at pakikipagtulungan nina Cong Gila Garcia at Cong Abet Garcia, matagumpay na naisagawa ang BFAR FishCore Program Orientation para sa mga Fishermen’s Association sa pangalawa at pangatlong distrito ng lalawigan sa pangunguna ni BFAR Central Luzon Regional Director, RD Wilfredo Cruz, na ginanap sa The Bunker kamakailan.

Layunin ng FishCore o Fisheries and Coastal Resiliency program na pataasin ang produksyon ng isda sa buong bansa partikular sa lalawigan ng Bataan habang pinangangalagaan ang likas na yaman ng ating karagatan sa pamamagitan ng bilyon-pisong suporta sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga kagamitan, pasilidad at pagsasanay sa ating mga mangingisda.

Sinabi naman nina Cong Gila at G. Geoff Loyola na kumatawan kay Cong. Abet na maaaring makapag-avail ng grant ang mga asosasyon ng mga mangingisda upang mapondohan ang mga naaayong proyekto na makatutulong sa kanilang pag-unlad.

Bukod sa mga opisyal ng BFAR Region 3 ay naroon din sina Mayor AJ Concepcion, Bokal Popoy del Rosario, Bokal Jorge Estanislao, Bokal Angel Sunga, mga punong barangay, MAO ng bawat bayan at mga kinatawan ng mga asosasyon ng mga mgingisda sa dalawang distrito.

The post Cong Abet, Cong Gila nanguna sa BFAR FishCore Program appeared first on 1Bataan.

Previous Ms. Cassandra de Jesus, tinanghal na Bb. Mariveles 2026
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.