
Dumalo si 2nd District Cong. Abet Garcia sa pagbubukas ng talakayan tungkol sa 2026 National Budget bilang Senior Vice Chairperson ng Committee on Appropriations.
Masusing nakinig si Cong Abet sa deliberasyon kung saan manggagaling ang mga ilalaang pondo, kung paano gagastusin at kung anu-ano ang mga plano ng mga ahensya ng gobyerno sa budget.
Kasama ni Cong. Abet ang mga pinuno ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Dept. Budget and Management, Dept. of Education, Dept of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay Cong Abet, bilang Senior Vice Chairperson ng Committee on Appropriations ay nais niyang masiguro na ang pondo ng bayan ay magagamit sa mga tamang proyekto sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino lalo na’t maraming umiinit na kontrobersya tulad ng pondo sa flood control, at budget insertionsThe post Cong. Abet rumalo sa talakayan ng 2026 National Budget appeared first on 1Bataan.












