Cong Gila Garcia nanguna sa inagurasyon ng Bagumbayan Covered Court

Philippine Standard Time:

Cong Gila Garcia nanguna sa inagurasyon ng Bagumbayan Covered Court

Pinangunahan ni Congresswoman Gila Garcia, kasama sina Mayor Ron del Rosario, Cong Jett Nisay at iba pang mga opisyal ang inagurasyon at turn-over ng isang proyektong magsisilbing Sentro ng Pagkakaisa at mga gawain sa bayan ng Bagac.

Isinagawa ang inagurasyon,  at turnover ceremony sa Brangay Bagumbayan para sa kanilang bagong covered court. Sa kanyang mensahe sinabi ni Cong. Gila Garcia na ang nasabing proyekto ay simbolo ng sama-samang pagkilos at malasakit para sa mas maunlad na bayan ng Bagac partikular na sa Brgy. Bagumbayan.

Nagpasalamat naman si Mayor Ron del Rosario kay Cong. Gila Garcia sa  suporta nito para sa kanyang bayan. Ayon pa kay Mayor Ron, lalo pa itong magbibigay ng sigla sa mga programa at gawain ng mga mag-aaral at mga kabataan. Nagpasalamat din siya sa  suporta ng kanilang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Ramil del Rosario at mga Sangguniang Bayan members

Dumalo din sa pagtitipon si Punong Barangay Ronald Llait, mga kagawad ng barangay, Vice Gov. Cris Garcia, mga Board Members ng ikatlong Distrito, BM Popoy del Rosario, BM Harold Espeleta, BM Jorge Estanislao, BM Angel Sunga, gayundin ang pamunuan ng Bataan Peninsula State University (BPSU) sa pangunguna ng Pangulo na si  Dr. Ruby Santos-Matibag at Vice Pres. Dr. Jaime M. Forbes.

The post Cong Gila Garcia nanguna sa inagurasyon ng Bagumbayan Covered Court appeared first on 1Bataan.

Previous Pagkakaisa ng Akademya at Pamahalaan tungo sa pangmatagalang solusyon

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.