
Sinimulan na nina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Jesse Concepcion, SB Health Chair, Ivan Ricafrente at iba pang SB members kasama si Dr. Gerard Sebastian ang pagbisita sa mga Barangay Health Centers tulad ng Brgy. San Carlos, kung saan masusi nilang ininspeksyon ang kalagayan ng pasilidad, mga kagamitan kung akma pa ito sa kasalukuyang panahon, at mga serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion sa ngayon ay lalo pa nilang pinagbubuti sa tulong ng Local Health Board ang mga prayoridad na programang pangkalusugan tulad ng pagtalakay sa mga ulat ng Municipal Health Office (2025), at mga kasalukuyang concerns kaugnay ng PhilHealth,. Sinabi rin ni Mayor AJ na mahalaga marinig nila mula sa mismong nasa barangay level ang kanilang hinaing nang sa gayon ay mas madali nilang maresolba ang mga problema.
The post Dalaw Barangay para sa Kalusugan, sinimulan na sa Mariveles appeared first on 1Bataan.












