
Bumisita sa tanggapan ni Mayor Anne Inton nitong nakaraang Lunes ang mga opisyal ng Development Bank of the Philippines at LandBank of the Phil.
Ikinatuwa ni Mayor Anne Inton ang pagbisita ng matataas na opisyal ng bangko kung saan ay napag usapan nila ang mga isyung kaugnay ng sektor ng pananalapi at serbisyong pampinansyal.
Sinabi pa ni Mayora Anne na nakaka-proud na napili ang bayan ng Hermosa na puntahan ng mga kinatawan ng bangko bilang patunay na nakikita na ang paglago ng komersyo sa kanilang bayan.
Nakasama niya sa maikling talakayan ang si Konsehal Jason Enriquez at Municipal Treasurer Rhodora Manalansan.
The post DBP at LandBank bumisita sa Hermosa appeared first on 1Bataan.












