
Pinangunahan ni Mayor Ron del Rosario ng Bagac ang inagurasyon sa pagbubukas ng kauna-unahang Dialysis Center sa Brgy. Atilano, sa kanilang bayan nitong Aug 23, 2025.
Ayon kay Mayor Ron Del Rosario, napakalaking tulong ang St. Nicholas Dialysis Center sa kanyang mga kababayan na nangangailangan ng dialysis dahil hindi na sila mapapagod magbiyahe pa ng malayo para sumailalim sa nasabing proseso. Sa pagbubukas ng St. Nicholas Dialysis center, magiging mas mabilis, abot-kaya at maasahang serbisyo ang maibibigay sa kanila.
Nakasama ni Mayor Ron del Rosario sa nasabing inagurasyon sina Punong Barangay Eliver Seramines, mga staff ng RHU Bagac, mga opisyal ng St. Nicholas Dialysis Center at iba pang opisyal.
Nagpasalamat si Mayor del Rosario sa mga opisyal ng St. Nicholas Dialysis Center sa napakahalagang serbisyo para sa kanyang mga kababayan, na ayon pa sa kanya, malaking kaginhawahan ito para sa kanyang mga kababayang maysakit sa bato.
The post Dialysis center binuksan sa Bagac appeared first on 1Bataan.












