DOLE, bumisita sa bayan ng Pilar

Philippine Standard Time:

DOLE, bumisita sa bayan ng Pilar

Matagumpay na isinagawa ng DOLE-Bataan katuwang ang LGU Pilar sa pamamagitan ng kanilang PESO, ang Technical and Advisory Visit  para sa kanilang mga MICRO Establishments nitong ika-24 ng Setyembre sa Municipal Evacuation Center annex 2 ng MDRRMO bldg.

Layunin umano ng nasabing Technical visit na bigyan nang higit pang kaalaman ang mga negosyante sa pamantayan nang paggawa, mga batas sa paggawa (labor laws) at occupational safety and health ng mga manggagawa.

Tinalakay din sa nasabing programa ang kwalipikasyon ng isang safety officer, mga parusa sa paglabag ( violations) at mga programang maaari nilang magamit o magbenepisyo na iniaalok ng DOLE at PESO. Ang nasabing programa ay naging oportunidad din para makagawa sila ng Compliance Action plans tungo sa ligtas at disenteng  lugar nang paggawa.

Mahigit sa 50 negosyante sa bayan ng Pilar ang lumahok sa nasabing programa, patunay lamang ng kanilang suporta sa pagsunod sa mga batas paggawa, gayundin naging magandang ehemplo sila ng pagtutulungan ng Nasyonal at Lokal na Pamahalaan sa pagsusulong ng inklusibong oportunidad sa paghahanapbuhay at pangmatagalang kabuhayan para sa lahat ng negosyante sa bayan ng Pilar.

The post DOLE, bumisita sa bayan ng Pilar appeared first on 1Bataan.

Previous DOLE, bumisita sa bayan ng Pilar

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.