Pormal nang binuksan sa publiko nitong Hulyo 17, 2025 ang dalawang Kadiwa Stores sa bayan ng Orani — ang Tapulao Multipurpose Cooperative sa Brgy. Tapulao at Orani Dairy Box sa Brgy. Mulawin, Orani, Bataan. Ayon kay Mayor Jon Arizapa, layunin nitong maghatid ng abot-kayang bilihin para sa mga mamamayan.
Bahagi ito ng programang “Kadiwa ng Pangulo – Rice-for-All Store” na sumusuporta sa mga lokal na magsasaka habang pinapababa ang presyo ng mga pangunahing produkto. Isa sa mga tampok ng programa ay ang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20.00 kada kilo para sa mga kabilang sa vulnerable sectors tulad ng senior citizens, PWDs, solo parents, 4Ps members, at mga buntis.
Inaasahan ng pamahalaang lokal na mas mapagaan nito ang gastusin ng mga pamilyang Oranians at masiguro ang mas maginhawang pamumuhay para sa lahat. Patuloy ang panawagan ng lokal na liderato na suportahan ang mga ganitong inisyatiba para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
The post Kadiwa Store binuksan sa Orani, Nag-aalok ng Murang Bilihin appeared first on 1Bataan.