
Ibinalita ni Mayor Jon Arizapa na nagsisimula na ang pagsasaayos ng Himlayang Bayan ng Orani sa Sitio Alikabok, Brgy. Bayan, isang tahimik ngunit mahalagang hakbang ng Pamahalaang Bayan upang matiyak na ang mga mamamayan ng Orani ay may maayos, disente at makataong huling hantungan.
Ang nasabing Himlayang Bayan ay libre para sa mga taga-Orani bilang malasakit sa mga pamilyang dumaraan sa oras ng pagluluksa. Isa ito sa mga naging pangako niya sa kampanya noong eleksyon na hindi niya nalimutan at kanya ngayong tinutupad. Ito umano ay isang paalala na sa bawat yugto ng buhay, hanggang sa huling pamamaalam, kasama ninyo ang Pamahalaang Bayan ng Orani.
The post Libreng himlayang bayan sa Orani appeared first on 1Bataan.












