Mayor Santos, binisita ang Mt. Malasimbu

Kasama ang ilang empleyado at hepe ng mga opisina ng munisipyo at sundalo ng Philippine Army, binisita kamakailan ni Dinalupihan Mayor Tong Santos ang Bundok ng Malasimbu.

Sinabi ni Mayor Santos sa kanyang social media post na layunin ng pagbisita na tingnan ang posibilidad na gawing isang tourist destination ang Mt. Malasimbu. Titingnan umano kung puwedeng gumawa ng hagdan paakyat na naturang bundok, at gumawa ng viewdeck para maging pasyalan ng mga turista.

“Gusto nating ipakita ang kagandahan ng Dinalupihan sa pamamagitan ng mga ganitong proyekto na makatutulong sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya,” paliwanag pa ng alkalde.

Ang Dinalupihan ay nag-iisang landlocked o walang dagat na bayan sa Bataan. Umaasa lamang ang pamahalaang-bayan sa kita mula sa real-estate tax, business tax, at public market. Malaki rin ang inaakyat na kita ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Dinalupihan dahil tuluy-tuloy na pag-unlad nito mula nang bigyan diin noong panahon ni Congresswoman Gila Garcia na noo’y mayor ng naturang bayan.

The post Mayor Santos, binisita ang Mt. Malasimbu appeared first on 1Bataan.

Previous PENELCO’s Solar Spark program lights up Mariveles streets
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.