
Ibinalita ni Cong Abet na sa ginawang sub-committee hearing sa Kongreso, ay naging basehan ang kanyang House Bill no. 6145 o Public Governance Meritocracy Act kaugnay sa panukalang pag amyenda sa Seal of Good Local Governance Act.
Kasama niya sa paghahain ng panukalang batas na Public Governance Meritocracy Act sina Cong Gila Garcia st Cong Jett Nisay, para umano maitatag ang isang sistema ng pamamahala na nakabatay sa galing, kakayahan, talino at pagsisikap o Meritokrasya.
Binigyang-diin ni Cong Abet sa nasabing hearing ang pangangailangang maitatag ang isang patas at malinaw na sistema para sa serbisyo publiko upang matiyak na magiging epektibo at naaangkop ang natatanggap na tulong ng mga tao mula sa pamahalaan.
The post Meritocracy Act ni Cong Abet, basehan sa pag amyenda sa Seal of Good Local Governance Act appeared first on 1Bataan.












