Mga kabataang lider, bilang future changemakers

Philippine Standard Time:

Mga kabataang lider, bilang future changemakers

Sa pamumuno ni Mayor Raquel Garcia, nagisponsor ang City Government of Balanga ng isang Leadership Training na ginanap sa Tourism Pavillon nitong nakaraang buwan, kung saan ay nagsama-sama ang mga kabataang lider mula sa Senior High at Kolehiyo sa Lungsod ng Balanga, ang

Isa sa tumatak na inspirasyon sa mga Kabataan ay ang personal na partisipasyon nina Mayor Raquel at Vice Mayor Francis Garcia ng Balanga City sa kanilang paglalahad ng karanasan at hamon ng buhay noong sila ay mga estudyante pa lamang, na mahirap pero dahil sa pagsisikap ay naging matagumpay sila ngayon.

Ipinahayag din ng mag-asawa ang kanilang paghanga sa mga kabataang lider sa ngayon na talagang masasabing mga future changemakers dahil ipinakikita nila ang aktibong pakikilahok sa mga serbisyo sa komunidad,  sa pangangailangan ng pamayanan, paghubog sa pananagutan at pagpapaunlad ng malasakit sa kapwa.

Ang mga ganitong workshops, ay nagbibigay ito ng mahalagang kasanayan, pagpapahalaga at tiwala sa sariling kakayahan upang mamuno na may malasakit at malinaw na layunin, kung kaya’t ayon pa kina Mayor Raquel at Vice Mayor Francis, patuloy nilang idaraos ang ganitong mga programa para sa mga kabataan na lalong magpapatingkad ng leadership ng mga kabataan para sa susunod na henerasyon.

The post Mga kabataang lider, bilang future changemakers appeared first on 1Bataan.

Previous Mga kabataang lider, bilang future changemakers

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.