Kasabay sa pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Mariveles National High School (MNHS) – Poblacion ay ang pagpupugay sa mga guro at estudyante dito sa kanilang husay at dedikasyon na nagbigay daan para mapabilang sila sa Top 10 Finalists sa World’s Best School Prize 2025 sa kategoryang “Supporting Healthy Lives”.
Dinaluhan nina Gov. Joet Garcia at Mayor AJ Concepcion ang nasabing parangal para sa paaralan, na napasama sa finalists ng isang international giving body dahil sa kanilang programang, “Changing Lives Through Sports” noong 2010 na libreng Summer Clinic.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, related ito sa sports development program ng paaralan para sa mga estudyanteng atleta na sinimulan nila nong 2010, na ngayon ay nare- recognize na bilang isang best practice.
Dagdag pa ni Mayor AJ Concepcion, 100% ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles, sa nasabing paaralan.
Nakapagbigay umano sila ng mga pasilidad at kagamitan para sa pagsasanay ng mga estudyanteng atleta, mga intensive trainings, allowances lalo na kapag may sinasalihang mga paligsahan tulad ng CLRAA o Central Luzon Regional Athletic Association.
Ayon naman kay Gov. Joet Garcia, isang malaking karangalan hindi lamang sa Mariveles kundi sa buong lalawigan, ang maging finalist ang MNHS-Poblacion sa World’s Best School Prize 2025 .
The post MNHS, finalist sa World’s Best School Prize 2025 appeared first on 1Bataan.