
Opisyal nang ginawaran nang regular na posisyon ang 17 utility workers ng Pamahalaang Bayan ng Orani sa isinagawang flag ceremony ngayong Lunes, ika-23 ng Marso 23, sa pangunguna ni Mayor Jon Arizapa.
Kabilang sa mga ginawang regular na empleyado sina Rodelio Banting, Angelito Cubacub Jr., Jayson Danao, Emmanuel De Leon, Napoleon Dela Rosa, Dennis Gaddi, Gemma Lagidao, Hector Mayor, Armando Ocampo, Rommel Pagtalunan, Ariel Retamado, Amalito Roque, Armando Santos Jr., Alvin Santos, Dario Singca, Enerson Villafuerte, at Eduardo Villanueva. Ayon pa sa alkalde, ang mga nasabing kawani ay dumaan sa patas na proseso ng ebalwasyon, na nakabatay sa kanilang seniority at performance habang nanunungkulan sa lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Mayor Arizapa, ito ay unang yugto pa lamang o “phase one” ng kanilang regularization program, at inaasahan pang magkakaroon ng mga susunod na batch ng mga municipal workers na mabibigyan din ng regular na posisyon bilang bahagi ng patuloy na pagkilala at pagbibigay-seguridad sa mga lingkod-bayan ng Orani.
The post 17 utility workers ng Orani LGU, regular na empleyado na appeared first on 1Bataan.












