Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

250MW solar farm, itatayo sa Hermosa

250MW solar farm, itatayo sa Hermosa

Kung makapapasa sa panuntunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), isang 250mw solar farm ang itatayo sa Barangay Bamban at Barangay Maite, sa Hermosa, ng kompanyang Solar Origin 1 Corp. Ang Solar Origin 1 ay local affiliate ng Singapore-based Enertran Global Pte. Ltd., isang kumpanyang kilala sa renewable energy generation sa Southeast Asia.

 

Ayon sa ulat ni Lisbet Esmael ng Inquirer.net, ang solar farm ay itatayo sa halagang P2.4 bilyon sa 280 hektaryang lupain sa dalawang barangay. Kasama na sa naturang halaga ang gastos sa lupa at pagsasaayos ng pagtatayuan ng solar farm.

Sa kasalukuyan, isinasagawa na ng DENR ang environmental scooping. Kung mauumpisahan agad ang proyekto, inaasahang mayayari umano ito sa loob ng 12 buwan.

 

Ang naturang solar farm ay kasagutan umano sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa enerhiya sa Luzon.

The post 250MW solar farm, itatayo sa Hermosa appeared first on 1Bataan.

Previous No Freeport ID, can still avail of housing benefits
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.