
Tumanggap ng family packs ang may 3,100 pamilya sa bayan ng Orion sa tulong ni Cong Abet Garcia katuwang ang Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Bataan 2nd District Congressman Abet Garcia, gaano man siya ka-busy sa Kongreso ay hindi niya nakakalimutan ang mga nangangailangan niyang mga kababayan sa kanyang distrito tulad ng bayan ng Orion. Kasama sina Mayor Tonypep Raymundo, Vice Mayor Rex Fuster at bumubuo ng Sangguniang Bayan ay namahagi sila ng mga food packs sa iba’t ibang sektor sa Orion.
Nakasama sa mga nakatanggap ng food packs ay ang sektor ng PWD ( persons with disabilities), solo parents, inactive OFW’s, Farmers Associations, TODA, Senior Citizens, Child Development Workers, Marshalls, Garbage Collectors, Public Market staff, Sanguniang Kabataan, Bgy Tanod, Lupong Tagapamayapa at mga pamilyang lumikas noong nakaraang bagyo.
Gayon na lamang ang pasasalamat ni Mayor Raymundo at iba pang opisyal ng bayan ng Orion kay Cong Abet at sa DSWD sa patuloy na pagtulong sa mga higit na nangangailangang bahagi ng lipunan.
The post 3,100 pamilya nakatanggap ng food packs appeared first on 1Bataan.












