
Umabot sa 3,850 benepisyaryo sa bayan ng Hermosa, Bataan ang tumanggap ng rice subsidy sa noong Hulyo 21 sa Covered Court ng Evacuation Center sa Barangay San Pedro. Kabilang sa mga nakinabang ang mga miyembro ng KALIPI, TODA, senior citizens, solo parents, fisherfolk, at mga Ina ng Hermosa.
Ayon kay Hermosa Mayor Anne Inton, layunin ng programa na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa pamamagitan ng agarang ayuda, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nagpasalamat din ang alkalde sa mga katuwang na ahensya at mga volunteer na naging bahagi ng maayos na pamamahagi, partikular sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na nanguna sa koordinasyon at implementasyon ng programa.
Bahagi ang rice subsidy ng patuloy na social assistance programs ng lokal na pamahalaan ng Hermosa upang mabigyan ng suporta ang mga vulnerable na sektor ng lipunan. Patuloy ring isinusulong ng LGU ang iba’t ibang programang pangkabuhayan at serbisyong panlipunan sa ilalim ng kampanyang “Sama-sama sa Paglipad ng Hermosa.”
The post 3,850 benepisyaryo sa Hermosa tumanggap ng rice subsidy appeared first on 1Bataan.