4-day work week, ipapatupad ng LGU Abucay

Inanunsyo ni Abucay Mayor Erik Martel ang pagpapatupad ng 4-day work week sa pamahalaang bayan simula Marso 9, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Office of the President. Sa ilalim ng bagong iskedyul, magtatrabaho ang mga tanggapan ng munisipyo mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Ayon sa pamahalaang bayan, layunin ng bagong iskedyul na makatulong sa pagtitipid sa enerhiya at operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno. Gayunman, may ilang opisina na mananatili sa regular na limang araw na trabaho o walong oras kada araw upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko.

Kabilang sa mga tanggapang hindi sakop ng 4-day work week ang Rural Health Unit (RHU), MDRRMO o Command Center, MSWD, MENRO/MRF, Agriculture, Public Market, Himlayan, Sibul, Utility/Maintenance, at Abucay Marshalls. Mananatili ang implementasyon ng naturang iskedyul hanggang sa maglabas ng bagong kautusan ang Office of the President.

The post 4-day work week, ipapatupad ng LGU Abucay appeared first on 1Bataan.

Previous Hermosa LGU, magpapatupad ng 4-day work week
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.