Idinaraos mula Nobyembre 21 hanggang 23, 2024, sa Balanga City, ang 16th National ICT Summit na pinangungunahan ng National ICT Confederation of the Philippines (NICP).
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Bataan ICT Development Council Inc., at lokal na pamahalaan ng Balanga. May temang “Bridging Regions, Building Futures: The Power of ICT in Philippine Development,” tampok sa tatlong araw na summit ang keynote speeches, panel discussions, workshops, at networking events na naglalayong paunlarin ang sektor ng ICT at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga stakeholder.
Dumalo sa summit ang mga kinatawan mula sa gobyerno, pribadong sektor, ICT professionals, at akademya upang talakayin ang mga hamon at oportunidad sa larangan ng ICT. Layunin din nitong magbahagi ng kaalaman sa makabagong teknolohiya at pinakamahusay na mga praktika para sa pagpapasulong ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng ICT. Ang pagdaraos ng summit ay patunay ng suporta ng Balanga City sa pagiging ICT hub nito at ambisyon ng bansa na makamit ang mas malawak na digital transformation.
The post 6th National ICT Summit, sa Balanga City appeared first on 1Bataan.