
Naglabas ng direktiba si AFAB Administrator at CEO Mohammed Hussein Pangandaman upang ipatupad ang Compressed Four-Day Work Week sa Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Tanggapan ng Pangulo. Sa ilalim ng bagong iskedyul, bukas ang mga tanggapan ng AFAB mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:30 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.
Gayunman, magpapatuloy ang regular na operasyon ng ilang mahahalagang tanggapan upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo, seguridad, at kaligtasan sa loob ng Freeport Area of Bataan. Kabilang dito ang Enterprise Assistance Division at Port Services Division ng FAB Enterprise Department, Freeport Facilities Department, at ang Law Enforcement at Fire and Emergency divisions ng Public Safety and Security Department.
Ayon sa AFAB, mananatiling tuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo sa publiko, kabilang ang mga usapin sa seguridad, trabaho, pasilidad, negosyo, at operasyon ng pantalan. Maaari ring makipag-ugnayan ang publiko sa mga hotline ng ahensya para sa agarang tulong at impormasyon.
The post AFAB, nagpatupad ng Compressed Four-Day Work Week appeared first on 1Bataan.












