
Nakibahagi sa pagdiriwang ng ika-50 Taong Anibersaryo ng PUP ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB).
Sa mensaheng ipinadala ni AFAB Admin at CEO Hussein Pangandaman, kinilala nito ang mahalagang ambag ng PUP sa paghubog ng mga propesyonal na nagsisilbi sa iba’t ibang industriya sa Freeport Area of Bataan sa loob ng limang dekada.
Ayon sa AFAB, ang PUP ang tanging State University sa loob ng FAB na nagbibigay ng industry-driven globally competitive na edukasyong tersyarya. Binigyang-diin ni AFAB Chief of Staff, Augusto Kimpo, na siyang naghatid ng mensahe na 29, sa kabuuang 335 na empleyado ng AFAB ay nagtapos sa PUP.
Samantala, pinarangalan sa nasabing okasyon si AFAB Finance Dept Manager, Charles Ramona (CPA) ng “Gawad Bagwis ng Inspirasyon”, isa sa pinaka-mataas na pagkilala para sa natatanging Alumni ng PUP Bataan.
Bilang suporta sa Unibersidad at sa Samahan ng mga Alumni nito, nagkaloob ang AFAB ng isang smart TV sa PUP Bataan Campus Alumni Association.
The post AFAB nakibahagi sa Golden Anniversary ng PUP appeared first on 1Bataan.