Matagumpay na isinagawa ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), sa pakikipagtulungan ng National Telecommunications Commission (NTC) Region III, ang Restricted Land Mobile Radiotelephone Operator Seminar kamakailan.
Pinangunahan ni Engineer Ronald J. Maninang mula sa NTC Regional Office III – Enforcement Division ang seminar na dinaluhan ng 38 personnel mula sa Public Safety and Security Department (PSSD), 53 security personnel ng KARPA II, at 115 staff mula sa Grand Meritus Security Agency Inc.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga mahahalagang paksa ukol sa legal at epektibong paggamit ng radyo gaya ng mga batas, alituntunin, at tamang pamamaraan ng paggamit ng radyo. Layunin din ng seminar na bigyan nang sapat na kaalaman ang mga security at safety personnel upang matiyak ang maayos at legal na operasyon ng radio communications sa loob ng Freeport.
The post AFAB, NTC Region III, nagsagawa ng seminar para sa mga radio operators appeared first on 1Bataan.