AFAB, PEZA nagpulong para sa mas pinalawak na ecozone developments

Philippine Standard Time:

AFAB, PEZA nagpulong para sa mas pinalawak na ecozone developments

Nagsagawa ng isang produktibong exploratory meeting kamakailan ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) upang pag-usapan ang mga estratehiya sa pagpapalawak ng ecozones sa Bataan at mas epektibong pamamahala sa mga ito, alinsunod sa Republic Act No. 11453 na nagpapalawak ng mandato ng AFAB.

Pinangunahan ang dayalogo ng AFAB bilang bahagi ng kanilang inisyatiba na muling suriin ang framework ng expansion sa buong lalawigan, at humingi ng technical guidance mula sa PEZA upang i-benchmark ang best practices sa ecozone management, na layuning umayon sa pambansang prayoridad sa pamumuhunan. Mahalaga ang papel ng pakikipag-ugnayan sa PEZA bilang pangunahing ahensya sa ecozone development sa bansa.

Ipinahayag ng parehong ahensya ang kanilang hangarin na palakasin ang inter-agency collaboration, lalong-lalo na sa larangan ng zone compliance, legal na istruktura, utility regulation, at operational governance. Ang pagpupulong ay isang hakbang tungo sa mas transparent, responsive, at growth-driven na serbisyo para sa mga mamumuhunan at mga lokal na komunidad.

The post AFAB, PEZA nagpulong para sa mas pinalawak na ecozone developments appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan SP holds inaugural session

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.