Pinangunahan ni Administrator at CEO Mohammed Hussein Pangandaman, kasama si Atty. Percival Peralta, Office of the Administrator Group Head, ang delegasyon ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa tatlong araw na COMNEXT Conference and Exhibit sa Tokyo, Japan.
Layunin ng naturang pagtitipon na ipakita ang mga makabagong teknolohiya sa larangan ng Artificial Intelligence (AI), Internet of Things (IoT), advanced optical communication, 5G/6G technology, network solutions, at video transmission. Kabilang din dito ang pagpapalitan ng kaalaman sa pagitan ng mga eksperto at malalaking kumpanya mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa AFAB, mahalaga ang pagdalo sa COMNEXT upang makipag-ugnayan sa mga global industry leaders at pag-aralan ang pinakabagong inobasyon sa teknolohiya. Layunin din nitong itampok ang AFAB bilang isang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan para sa mga potensyal na negosyante at kumpanya sa hinaharap.
The post AFAB pinalalakas ang pandaigdigang ugnayan sa COMNEXT Tokyo appeared first on 1Bataan.