
Isang mahalagang pagpupulong ang pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion kasama ang mga opisyal ng Balong Anito Dialysis Center at Diagnostic Services Corporation kaugnay sa pagbubukas ng isang bagong pribadong dialysis center sa bayan ng Mariveles na matatagpuan sa Porto del Sol, Brgy. Balong Anito.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, malapit nang simulan ang operasyon ng nasabing dialysis center na magbibigay ng serbisyong makatutulong sa mga Mariveleños. Ito ay may kapasidad na 15 seats at may libreng serbisyo sa pamamagitan ng Phil health.
Ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles ay patuloy na susuporta kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jesse Concepcion para sa mga programang pangkalusugan at de-kalidad .na serbisyo para sa lahat.The post Bagong Dialysis Center, bubuksan sa bayan ng Mariveles appeared first on 1Bataan.












