
Nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pilar sa pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro sa isinagawang Basic Incident Command System Training na ginanap sa Subic Freeport nitong nakaraang Aug 5-7, 2026.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, sa loob ng tatlong araw na training ay magkakaroon ang bawat kalahok nang mas malawak na kaalaman sa kung ano ang kabuuang pag-aaral tungkol sa Incident Command System (ICS) kabilang na rito ang tamang Koordinasyon, malinaw na pagtatalaga ng tungkulin at maayos na pamamahala sa panahon ng emergency at kalamidad.
Dagdag pa ni Mayor Charlie na sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay higit na mapalalakas ang kahandaan at kakayahan ng kanilang grupo upang makapaghatid nang maagap, organisado at mas epektibong serbisyo sa kanilang bayan sa oras ng pangangailangan.
The post Basic Incident Command System Training isinagawa ng LGU Pilar appeared first on 1Bataan.