Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Bataan, humakot ng mga parangal sa 2026 LTIA

Bataan, humakot ng mga parangal sa 2026 LTIA

Muling pinatunayan ng Lalawigan ng Bataan ang husay sa pamamahalang pangkomunidad matapos mapanatili ang mga parangal nito sa 2026 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA). Ipinakita ng pagkilalang ito ang patuloy na epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan at katarungan sa mga barangay.

 

Tatlong barangay mula sa Bataan ang itinanghal na kampeon sa iba’t ibang kategorya sa regional evaluation ng Central Luzon. Kabilang dito ang Brgy. Cupang Proper sa Lungsod ng Balanga bilang regional winner sa Component City Category.

 

Nasungkit naman ng Brgy. Mulawin sa Orani ang titulo sa 1st Class Municipality Category, habang nagwagi ang Brgy. Omboy sa Abucay sa 2nd Class Municipality Category. Dahil dito, kakatawanin ng tatlong barangay ang Central Luzon sa pambansang antas ng LTIA.

 

Nagpaabot ng pagbati ang DILG Bataan sa mga nagwaging barangay at kinilala rin ang suporta ng mga field offices ng Abucay, Balanga City, at Orani. Ayon sa ahensya, bunga ito ng dedikasyon ng mga opisyal ng barangay, mga miyembro ng Lupon, at ng buong komunidad.

The post Bataan, humakot ng mga parangal sa 2026 LTIA appeared first on 1Bataan.

Previous 250MW solar farm, itatayo sa Hermosa
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.