
Pasok ang Lalawigan ng Bataan sa Top 5 finalists ng Most Business Friendly LGUs 2025, ayon kay Governor Joet Garcia. Sa ginanap na final judging, ibinahagi ni dating Congressman Abet Garcia ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan na nakatuon sa layunin ng pagkakaroon ng Matatag na Pamilyang Bataeño.
Ipinahayag ng gobernador na malaking karangalan para sa Bataan ang makabilang sa prestihiyosong pagkilala na iginagawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Kabilang sa mga itinatampok na programa ay ang mga inisyatiba para sa pagpapatatag ng lokal na ekonomiya at pagsuporta sa mga maliliit at katamtamang negosyo sa lalawigan.
Dagdag pa ni Gov. Garcia, mananatili ang panata ng pamahalaan na ipagpatuloy ang mga programang makatutulong sa bawat pamilyang Bataeño at magpapalago sa lokal na kalakalan. Layunin aniya nito na maabot ang pangarap na mas maunlad at mas progresibong Bataan para sa lahat.
The post Bataan, pasok sa Top 5 finalists ng 2025 MBF LGUs appeared first on 1Bataan.












