Inilunsad ng Bataan Police Provincial Office (PPO) ang programang “Biggest Loser 2025” bilang bahagi ng kampanya para sa mas malusog na pamumuhay ng mga kapulisan, alinsunod sa direktiba nina Chief PNP PGEN Nicolas D. Torre III at PRO3 Regional Director PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr. Pinangunahan ni PCOL Marites A. Salvadora, Provincial Director ng Bataan PPO, ang pormal na pagbubukas ng programa sa Covered Court ng Camp Tolentino.
Layunin ng programa na hikayatin ang mga kawani ng pulisya, lalo na yaong may obesity, na pagtuunan ng pansin ang kanilang kalusugan. Sinimulan ito sa pamamagitan ng opisyal na “weigh-in” ng mga kalahok. Bibigyan sila ng tatlong buwan upang magbawas ng timbang at paghusayin ang kanilang pisikal na anyo.
Ang kalahok na makapagtatala ng pinakamalaking pagbabago sa timbang at kalusugan ay kikilalanin bilang “Biggest Loser” at tatanggap ng espesyal na gantimpala na personal na igagawad ni PCOL Salvadora. Magkakaloob din ng mga consolation prize para sa mga kalahok na makapapakita ng makabuluhang pagbabago sa kanilang fitness journey.
The post Bataan PPO, sinimulan ang “Biggest Loser 2025” Weight Loss Challenge appeared first on 1Bataan.