Personal na tinanggap ni Gov. Joet Garcia ang halagang P11,180,000 mula kay Pangulong Bongbong Marcos noong Biyernes sa Bren Guiao Auditorium, San Fernando, Pampanga, sa ginanap na pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.
Bukod pa rito, 10 magsasaka mula sa ating lalawigan ang tumanggap din ng tigsampung libong pisong ayuda gayundin ang mga magsasaka sa mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales. Ayon pa sa Pangulo, naglabas din ang kanyang tanggapan ng P100, 000, 000.00 upang ipamahagi sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng programang AKAP sa pamamagitan ng iba’t ibang farm machineries, tools, equipment, fertilizer discounts, fuel assistance, cash assistance, mga Organic Agri production toolkits, training support funds and scholarship assistance; DOLE Integrated Livehood Assistance.
Umaga pa lamang ay nasa lalawigan na ng Aurora ang Pangulo bago tumuloy sa San Fernando Pampanga, kung saan ay sinalubong siya ni Gov Dennis Pineda kasama ang mga kapwa gobernador na sina Daniel Fernando ng Bulacan, Susan Yap ng Tarlac, Hermogenes Ebdani ng Zambales, Aurelio Umali ng Nueva Ecija at Joet Garcia ng Bataan.The post Bataan, tumanggap ng ayudang P11M appeared first on 1Bataan.