
Malaking karangalan ang dinalang tagumpay ni Francine Anne M. Rivera ng Brgy. Panibatuhan, bayan ng Morong nang masungkit niya ang pinakamataas na pagkilala sa prestihiyosong 23rd Asia TEFL ( Teaching English as Foreign Language) International Conference nitong Hulyo 10-13, 2025 na ginanap sa The Education University of Hongkong, China.
Tinalakay ni Francine sa harap ng higit isanlibong practitioners at lecturers mula sa 60 bansa ang kanyang pananaliksik na pinamagatang “Criteria for Selecting Afro- Asian Literature Poems and Short stories: Insights from Secondary English Teachers”. Ang nasabing research ay kabilang sa 600 na tinanggap mula sa higit isanlibong aplikasyon mula sa buong mundo.
Sinabi ni Mayor Leila Muñoz na isang patunay ito nang galing at husay ng mga kabataang taga-Morong, gayundin isang inspirasyon sa kanilang kapwa kabataan.
The post Bataena, wagi sa isang International Conference appeared first on 1Bataan.












