
Lalo pang paiigtingin ang pagpapatupad sa mga batas-trapiko gayundin sa mga panloloko o scam sa bentahan ng segunda-manong sasakyan.
Ito ang tinalakay nina Bataan Gov. Joet Garcia, mga opisyal ng Highway Patrol Group at Metro Bataan Development Authority (MBDA) nang bumisita ang huli kamakailan sa opisina ng gobernador.
Tinalakay din nila ang madalas na sakuna sa Roman Superhighway sanhi ng paglabag sa mga batas-trapiko ng ilang motorista. Sinabi ng ilang residente na isa umano sa itinuturong dahilan ay kung minsan kulang sa traffic lights lalu na sa mga junction o cross roads.
Tinalakay ni Gov. Garcia ang mga naturang isyu sa HPG at MBDA lalo na ngayong malapit na naman ang bakasyon at Holy Week at maraming mga sasakyan sa mga kalsada.
The post Batas-trapiko pag-iibayuhinin appeared first on 1Bataan.












