
Nakipagpulong ang pamunuan ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) sa isang international investment firm, ang Moorfield Capital, upang talakayin ang mga posibleng kooperasyon sa port development at iba pang malalaking proyekto sa Bataan.
Ayon kay BBJVI President Jopet Inton, kasama sa pulong sina Bataan 2nd District Representative Abet Garcia, BBJVI Adviser Doji Libatique, at si Hee Weng Chia, Chief Executive Officer ng Moorfield Capital Pte. Ltd..
Tinalakay sa meeting ang mga oportunidad para sa pamumuhunan sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga pantalan at iba pang malalaking infrastructure projects na inaasahang magpapabilis sa daloy ng kalakalan at magpapalakas sa ekonomiya ng lalawigan.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng strategic partnerships upang matiyak ang pangmatagalang benepisyo para sa komunidad at mga stakeholders.
Ang Moorfield Capital, na nakabase sa Singapore, ay kilala sa kakayahan nitong maghatid ng malalaking pamumuhunan, flexible business structures, at makabagong solusyon partikular sa sustainable energy. Inaasahan ng BBJVI na ang naturang pag-uusap ay magiging daan sa mas konkretong kasunduan para sa mga proyektong magpapasigla sa kaunlaran ng Bataan.
The post BBJVI at Moorfield Capital, nagpulong para sa port development projects appeared first on 1Bataan.












