BIR-Bataan muling nagsagawa ng kampanya sa pagbabayad ng buwis

Philippine Standard Time:

BIR-Bataan muling nagsagawa ng kampanya sa pagbabayad ng buwis

Dahil panahon na ng pag pafile ng Income Tax, ang Bureau of Internal Revenue RDO-20 Bataan, sa pamumuno ni Atty Mercedes R. Estalila ay aktibong muli sa kanilang kampanya sa mga mamamayan na mag-file at magbayad ng kanilang 2025 Annual Income Tax Returns mula ngayon hanggang ika-15 ng Abril.

At upang higit pang mahikayat ang mga tao na magsumite at magbayad ng kanilang income tax, gumawa ang kanilang ahensya ng Tax Filing Infomercial, at kinuha nila si Alden Richards bilang campaign ambassador, para lalong mapaalalahan at lumawak ang kanilang kampanya sa pagbabayad ng tax.

Ito ay paraan din ayon pa kay Atty Mercedes Estalila, na maagang magsumite ng kanilang income tax return para maiwasan ang magmadali sa pagsusumite at pagkakamali sa  pagbabayad nito lalo pa’t ngayon ay digital na ang pamamaraan sa filing ng income tax return.

Kung may mga tanong hinggil sa pagpa-file at pagbabayad ng income tax, ay mangyari lang umanong tumungo sa kanilang tanggapan na nasa ikatlong palapag ng Robinson’s Galeria, sa Balanga City o di kaya naman ay mag log in sa kanilang facebook page na BIR RDO-20 Bataan.

The post BIR-Bataan muling nagsagawa ng kampanya sa pagbabayad ng buwis appeared first on 1Bataan.

Previous Libreng cervical cancer screening, dinagsa ng kababaihan sa Hermosa

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2026 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.