
Idinaos ang “Buntis Congress 2025: Kalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantya” nitong Agosto 22, 2025 sa Overland Subdivision Covered Court, Barangay Atilano Ricardo, Bagac, Bataan bilang bahagi ng paggunita sa National Breastfeeding Awareness Month.
Ayon kay Bagac Mayor Ron Del Rosario, layon ng aktibidad na palakasin ang kaalaman ng mga buntis hinggil sa tamang pangangalaga sa sarili at sa kanilang mga sanggol, gayundin ang pagsusulong ng ligtas at malusog na pamumuhay bago at matapos manganak.
Nagpaabot ng pasasalamat ang pamahalaang bayan sa lahat ng dumalo at nakiisa upang maging matagumpay ang makabuluhang programa na nagsisilbing suporta sa maternal at child health care sa Bagac.
The post Buntis Congress 2025, idinaos sa Bagac appeared first on 1Bataan.












