Car show sa Pilar, inaabangan na

Philippine Standard Time:

Car show sa Pilar, inaabangan na

Isa sa pinakahihintay sa darating na Kasinagan 2025 Festival sa bayan ng Pilar ngayong ika-6 ng Oktubre ay ang motor show ng mga kotse, motorsiklo at mga tricycles.

 

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro nagpalabas na siya ng imbitasyon sa lahat ng mga interesadong may ari ng mga sasakyan, kotse man ito, motorsiklo o tricycle na nais na ipakita ang naiibang design, istilo, o tatak ng kanilang mga sasakyan, na magparehistro na dahil ito ay on a first come, first served basis at hanggang ika-5 ng Oktubre na lamang.

 

Kung matatandaan ng publiko noong nakaraang taon halos isandaang sasakyan, kotse, motorsiklo at tricycle ang lumahok sa nasabing event na dinumog ng mga tao, at namangha ang lahat sa gaganda ng mga sasakyan. Ang iba ay vintage, habang ang iba ay talagang mamahalin at yong mga tricycle grabe ang tunog at mga kulay ng ilaw nito, na nakaeenganyong panoorin.

 

Ang motor show ayon kay Mayor Charlie ay gaganapin sa Oct. 5 in partnership with VIP Production at inaasahang mas maganda ang makikita ng mga tao sa ngayon.

The post Car show sa Pilar, inaabangan na appeared first on 1Bataan.

Previous Taripa sa tricycle sa Orani, aamyendahan

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.