
Dumalo si Cong. Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist sa plenary interpellation para sa panukalang 2026 National Budget ng Department of Finance (DOF) noong ika-24 ng Setyembre. Tinalakay sa sesyon ang mga programa, polisiya, at paggastos ng pondo ng ahensya kasama ang mga attached agencies nito.
Nagpahayag si Rep. Nisay ng ilang katanungan upang masiguro na ang mga pondong inilaan ay magagamit nang tama at may malinaw na direksiyon. Binigyang-pansin niya ang pangangailangan na busisiin ang mga plano ng DOF upang makatiyak na makikinabang ang mamamayan sa bawat programa.
Ayon sa mambabatas, tungkulin ng Kongreso na magbantay sa wastong paggamit ng kaban ng bayan. Dagdag pa niya, nararapat lamang na alam ng publiko kung saan napupunta ang kanilang buwis at kung paano ito nagiging ambag sa pag-unlad ng bansa.
The post Cong. Jett Nisay, bumida sa plenary interpellation ng 2026 DOF Budget appeared first on 1Bataan.












