Philippine Standard Time:
November 12, 2025 | 4:53:15 PM

Cong. Nisay tumutol sa deliberasyon ng House Bill 8218

Cong. Nisay tumutol sa deliberasyon ng House Bill 8218

Mariing tinutulan ni Cong Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist ang deliberasyon  ng House Bill 8218 para magkaroon ng legal framework sa paggamit ng mga nuclear facilities at nuclear energy na maaaring itayo sa ating bansa.

Sa kanyang manipestasyon, sinabi ni Cong Jett Nisay na sa ngayon ay napakarami pang rehiyon sa bansa ang limitado at wala pang kuryente. Nilinaw din ni Cong Jett Nisay na sakali nga’t magtatayo ng nuclear facilities sa bansa, pakikinggan kaya ang boses ng mga mamamayan na tumututol dito gayundin, sapat na ba ang isinasaad sa  Local Govt Code sa pagtatayo nito lalo’t wala sa probisyon ng PhilAtom Bill ang Local Govt Consent.

Binigyang-diin din ni Cong Jett Nisay na mariin niyan tututulan ang pagbubukas nito kung ilalagay sa lalawigan g Bataan  sa dahilan ng napakalaki at napakamahal na gagastusin dito, mababa ang kapasidad gayong hindi  ka pa nakatitiyak kung ligtas nga ito. Gayundin napakarami umanong renewable energy o alternatibong pagkukunan ng kuryente na mura na ay ligtas pa.

The post Cong. Nisay tumutol sa deliberasyon ng House Bill 8218 appeared first on 1Bataan.

Previous Libreng tuli, isinagawa sa bayan ng Dinalupihan
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.