
Sa kanyang kapasidad bilang Senior Vice Chairman ng Committee on Appropriations, dumalo si Cong Abet Garcia sa dayalogo ng kanilang komite sa mga Civil Society Organizations, na akreditadong tagamasid sa deliberasyon ng National Budget para sa taong 2026, na bahagi ng People’s budget Review na may layuning tiyakin ang transparency at partisipasyon ng publiko na ginanap sa Andaya Hall sa House of Representatives noong ika-28 ng Agosto.
Ayon Kay Cong Abet Garcia, binigyang-diin nila ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Civil Society Organizations bilang katuwang sa pagtukoy ng mga kakulangan, pagsusulong ng mga reporma at pagtitiyak na ang badyet ay nakatuon sa Edukasyon, Kalusugan, kabuhayan, klima at lokal na kaunlaran.
Ayon pa kay Cong Abet, sa pakikinig sa kanila, nagiging mas makabuluhan at may pananagutan ang kanilang tungkulin bilang mga mambabatas.
The post Dayalogo sa pagitan ng Civil Society Organizations at Committee on Appropriations appeared first on 1Bataan.












