Dinalupihan, patungo na sa pagiging agropolis

Philippine Standard Time:

Dinalupihan, patungo na sa pagiging agropolis

Totoo sa kanyang sinabi na gawing agropolis ang bayan ng Dinalupihan, isa na namang magandang proyekto ang sinimulan ni Cong. Gila Garcia na tinawag na, 54 hectares consolidated and fully mechanized rice production project.

Àyon kay Cong Gila, nakalulungkot na sa bilyun-bilyong pondo na ipinamamahagi taun-taon ng Department of Agriculture sa mga magsasaka, tila ba laging kulang. Kung kaya’t sa Awarding ng PhilMech, na naging isang magandang pagkakataon dahil matagal niyang nakausap si Director Dionisio G. Alvindia at dun na nabuo ang nasabing proyekto.

Una, ayon sa kanya, pangarap natin na makatayo ang ating mga magsasaka sa sarili nilang paa, alisin ang paniniwala na ang pagtatanin ay isang sugal at matutunan ang pagtatanim na “low risk at high income”.

Sinabi din ni Cong Gila na mas maganda na may supplier na kung bibili ka ng marami ay makakamura ka at baka may mga freebies pa, ang tawag umano dito ay “economy of sales”. Kaya kailangan natin ang consolidation ng ating mga lupang sinasaka para magkaroon ng economy of sales.

Ang ginawang pilot area ay ang San Simon Farmers Association na may 47 magsasaka, na sa halip na tig iisa sa 54 hectares ay ginawa itong isang buong cluster, para mas episyente ang trabaho, mas episyente ang proseso at sistema.

Ang 54 hectares ay gagamitan ng full mechanization mula sa pagbubungkal ng lupa, sa pagtatanim, sa pag aani hanggang sa maging bigas ito, ginamitan ng science-based fertilization na ang resulta ay science rice production. At kapag ito ay nagtagumpay at nakagawa ng model mula sa Dinalupihan, pwede na itong i-replicate sa buong lalawigan.

Dito masasabi nating kaya na nating pakainin ang ating pamayanan and we can now say that we are now free from the bondage of importation.

The post Dinalupihan, patungo na sa pagiging agropolis appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan solon urges urgent action on Equality Bill

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: