
Pinangunahan ni Mayor Ron del Rosario ng Bagac ang random drug testing sa loob ng kanilang Munisipyo bilang patunay na hindi niya palalampasin ang sinuman na may kinalaman sa paggamit ng Iligal na droga sa kanilang komunidad.
Hinikayat ni Mayor Del Rosario ang mga kawani ng kanilang bayan na sumailalim din sa nasabing drug testing upang ipakita na ang mga kawani ng kanilang bayan ay hindi sumasali sa mga paggamit ng mga iligal na gamot.
Nagpaalala din si Mayor Ron, na sa papalapit na Kapaskuhan, sa pagsisimula ng Ber months ay sikapin umano nang lahat na maging malinis, maayos at ligtas ang pamayanan, na siyang tunay na diwa ng Pasko.The post Drug test sa mga kawani ng Bagac appeared first on 1Bataan.












